![]() Noong taong 2013, napagdesisyonan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtanggal ng anim na yunit ng Filipino para sa papasok na mag-aaral ng kolehiyo sa taong 2018. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan din baguhin at ayusin ang kurikulum para sangayunan ang nararapat na matutunan ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon. Simula noong inaprubahan ni dating pangulong Benigno Aquino III ang programang K-12, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, bilang tugon sa napapanahong sistema ng edukasyon sa iba’t ibang bansa. ![]() Humahantong pa nga sa isang pagkakataon na kung saan tayo mismo ang nagiging banyaga sa sarili nating wika. Ito ay ilan lamang sa mga tanong na pumapasok sa ating isipan tuwing tayo ay nakaririnig ng mga Pilipinong bihasang-bihasa sa pagsasalita ng wikang banyaga. Ang wikang Filipino ba ay atin pang pinahahalagahan? Nabibigyang pansin pa ba ito? At kung magiging wasto pa ba ang paggamit ng wikang Filipino ng mga susunod na henerasyon?
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |